Sa isang trabahong lugar na unionized, lahat ng mga kondisyon tulad ng inyong mga sahod, benepisyo, pag-iiskedyul at seguridad sa pagreretiro ay protektado ng legal na kontrata, na kilala rin bilang isang kolektibong kasunduan. Ito ay pinag-kasunduan ng inyong unyon para sa mga miyembro. Ang pakikipag-ayos sa isang patas na kontrata ay isang mahalagang paraan upang makakuha ang inyong unyon ng mahahalagang bagay para sa mga miyembro!
Ang pakikipagkasundo ng kontrata ay isang demokratikong proseso. Ang mga miyembro ang magpapasya kung sino ang kakatawan sa kanila sa bargaining table at kung anong mga panukala ang ihaharap. Ang boto ng unyon ay gaganapin sa sandaling magkaroon ng kasunduan sa bargaining table. Walang pagbabagong magkakabisa hanggang sa bumoto ang karamihan ng kasapian pabor sa kontrata.
Ang pakikipag-ayos sa isang kontrata ay isang kapana-panabik na oras ngunit ito ay napakahabang proseso. Bago ka man sa UFCW 1518 o interesado ka man matuto nang higit pa tungkol sa kung paano gumagana ang mga negosasyon, pinagsama-sama namin ang gabay na ito upang matulungan ang lahat ng mga miyembro na dumaan sa mahalagang prosesong ito.
TANDAAN: Ito ay isang pangkalahatang balangkas ng proseso ng bargaining. Maaaring mag-iba nang bahagya ang mga negosasyon depende sa mga pangangailangan at kalagayan ng inyong partikular na trabahong lugar.
Halalan ng Komite ng Bargaining
Matapos maihatid ang isang abiso ng bargaining sa inyong tagapag-empleyo, maaaring dahil ang inyong nakaraang kontrata ay mag-e-expire na o ikaw ay nakikipagkasundo sa inyong unang kontrata ng unyon, ang unang hakbang ay ang pagsasama-sama ng isang komite ng bargaining.
Sa panig ng inyong unyon, ang mga negosasyon sa kontrata ay pinamumunuan ng isang komite ng bargaining na binubuo ng mga negosyador ng unyon at mga miyembro. Ang mga miyembro ng komite ng bargaining ay inihalal ng mga miyembro sa pamamagitan ng demokratikong paraan. Hihilingin ng mga miyembro na magpasa ng mga nominasyon ng komite ng bargaining. Kung sapat na ang mga nominasyon na natanggap, isasagawa ang halalan ng komite ng bargaining. Ang mga nahalal na kinatawan ng komite ng bargaining ay babayaran para sa kanilang oras na ginugol sa bargaining, na parang nag-uulat sila sa kanilang mga regular na trabaho.
Ang mga miyembro ng komite ng bargaining ay may mahalagang tungkulin sa pakikipag-ayos ng isang kontrata para sa inyong trabahong lugar. Nanduon sila sa bargaining table kasama ang inyong tagapag-empleyo, na nagtataguyod sa ngalan mo upang matiyak na ang isang kontrata na nagpapakita ng mga pagpapabuti na gusto mong makita sa trabaho ay napag-usapan. Tutulungan din nilang panatilihing may kaalaman ang lahat sa buong proseso ng negosasyon.
Kahilingan Para sa mga Panukala
Kapag nahalal na ang isang komite ng bargaining, oras na para mangolekta ng mga panukalang ihaharap sa bargaining table. Ito ay isang mabuting panahon upang kumonekta sa inyong kinatawan ng unyon at mga miyembro ng komite ng bargaining upang ipaalam sa kanila kung ano ang inyong mga priyoridad. Magpapadala ang inyong unyon ng bargaining survey na may mga kaugnay na tanong na partikular sa inyong trabahong lugar para makakolekta kami ng makabuluhang impormasyon mula sa mga miyembro.
Pagpupulong ng Panukala
Pagkatapos naming pag-uri-uriin ang inyong mga panukala ng bargaining, isang pulong ng mga panukala ay iiskedyul upang ipakita sa inyo ang pangkalahatang-ideya ng kung ano ang aming ihaharap sa bargaining table. Ito rin ay isang pagkakataon para magtanong ng anumang mga katanungan na mayroon ka tungkol sa proseso ng pakikipagkasundo at kung ano ang mga susunod na hakbang.
Mga Negosasyon
Oras na para sa negosasyon! Ang tagal ng pakikipagkasundo ay depende sa iba’t ibang mga kadahilan, kabilang na dito ay kung ganu kalaki ang inyong yunit, ang pakikipagtulungan ng tagapag-empleyo nyo, ang relasyon ng unyon at tagapag-empleyo, atbp. Ang mga negosasyon ay maaaring tumagal mula sa ilang araw hanggang maraming buwan. Kapag nasa bargaining table, mayroong mga bagay na kailangang panatilihing kumpidensyal ng inyong komite ng bargaining at ng tagapag-empleyo dahil maaaring pag-usapan ang ilang sensitibong bagay (tulad ng pagpapanatili ng empleyado, pananalapi ng tagapag-empleyo, atbp.). Ngunit makatitiyak ka na ang inyong mga kinatawan ng unyon at komite ng bargaining ay ginagawa ang kanilang makakaya upang isulong ang inyong mga priyoridad. Sa sandaling may mga balitang ibabahagi, ipaparating namin ang impormasyong ito, kabilang ang mga balita tungkol sa pag-unlad sa partikular na priyoridad, halimbawa kung ang mga bagay ay napagkasunduan o kung umabot kami sa isang hindi pagkakasundo. Maaari mo ring makipag-ugnayan sa inyong kinatawan ng unyon upang magtanong tungkol sa bargaining.
Boto sa Pagpapatibay ng Kontrata
Kapag ang isang kontrata ay napag-usapan at napagkasunduan sa pagitan ng inyong komite ng bargaining at ng inyong tagapag-empleyo (sa ilang mga pambihirang kaso ang isang kontrata ay maaaring makamit sa pamamagitan ng mediation o arbitrasyon), ito ay iharap sa inyo para sa isang boto! Ang petsa at lokasyon ay itatakda para makapagboto ka upang pagtibayin ang kontrata. Ang inyong komite ng bargaining ay dadalo upang masagot nila ang anumang mga katanungan na mayroon ka upang makagawa ka ng matalinong desisyon.
Isang Bagong Kontrata
Kung bumoto ang karamihan na tanggapin ang bagong kasunduan, iyon ang marka ng pagtatapos ng bargaining cycle. Nangangahulugan din ito na darating ang mga pinabuting kondisyon sa trabahong lugar nyo. Kung ang isang kontrata ay tinanggihan ng mga miyembro, ang inyong komite ng bargaining ay babalik sa bargaining table.
Kapag ang isang bagong kontrata ay naabot, maaaring tapus na ang negosasyon, ngunit ang gawain ng inyong unyon ay magpapatuloy. Nandito kami para ipatupad ang inyong kontrata sa pamamagitan ng pagtatanggol sa inyong mga karapatan at pagtiyak na ang inyong tagapag-empleyo ay tutugunan ang kanilang mga obligasyon.